Naalala Nyo Pa Ba?

18 January 2008 0 comments

Naaalala nyo pa ba...

...yung ubeng halayang korteng isda na nakalagay sa cut-rite sa
canteen ng annex bldg nung elementary pa tayo?...ewan ko ba bakit
ako sarap na sarap don, nai-imagine ko pa yon hanggan ngayon :-)

...ang paglalaro natin ng jackstone, chinese jackstone at ang walang
katapusang chinese garter?

...ang grupong nag-lyp-synch ng "My Sharona" (tama ba spelling ko)?
ang pagtitili natin habang kunyari nag-gigitara, nag-dra-drum at
kamakanta sila habang niyuyugyug nila ang kanilang mga ulo..di ko na
maalala kung sino-sino na sila kaya please refresh our memories
basta alam ko enjoy na enjoy tayo non :-)

...ang mahabang pila para bumili ng manggo at melon shake sa canteen

...ang napakatibay na greg shoes at ang super-usong ace bag

...ang malamig na pancit sa canteen

...maka-shaun cassidy ka ba noon o leif garrett (paging meg hugo-
meron na bang contact w/ her)

...ang pagtatanim natin ng kamote atbp. sa home economics

...ang ating psuedo-fairs na ang pinaka-highlight ay ang dedication
booth (babaw ba? pero excuse me...pag narinig mo pangalan mo don,
made na araw mo)

...ang laging mainit na mga cheering competitions?...nandyan nag-
taong gubat tayo at nagpatuyo pa ng buto ng paa ng manok para ilagay
sa ating mga ulo...minsan naman ay nag-feeling olivia newton-john at
john travolta tayo ;-)...pero lagi naman tayong panalo at feeling
panalo

...ang laging masayang songfest...ang naalala kong mga kinanta ng
batch naten ay "bohemian rhapsody", "afternoon delight", at eto di
ko matandaan ang kanta pero tanda ko ang choreography - nag-
formation ng umiikot na bulaklak at merong paru-parong umaaligid-
aligid sa bulaklak...ano na nga yung kinanta nun?

… the "happy feet" with matching socks-- yung iba striped socks pa nga e... pakintaban pa ng happy feet noon!

… naaalala niyo ba yung popcorn na pink na nabibili sa labas.. na pag kinakain naten e ihinahagis at sinasalo nang bibig

.. natatandaan niyo pa ba na pinapila tayo sa baba para parusahan sa pag kakalat nang popcorn sa classroom, pero imbis na pumila lang e nag rock baby rock pa tayo.

… pag may CAT e umiikot na tayo sa pag hanap kung sino ang may dalang glo na pang polish sa belt.

… ang walang kamatayang nenuco at johnson baby cologne.

...yung pagkasarap-sarap na gulaman at sago na maraming yelo na parang singkwenta sentimos lang yata isang plastic?

...yung indian mango na nakatusok sa bbq stick na puwede mong bilin with either bagoong o asin?

... yung lahat ng paghihirap naten as COCC para lang maging officer ng CAT?

… Naaalala nyo rin ba ang ating "clinic" at si Sis. Bernardina? na pag iniwan ka sa clinic.. gusto mo nang gumaling kase nakakatakot dun!

… ...Skate town days..... skating pa nong mga panahon natin, pero ngayon naka roller blades na mga bata..

...Ang mga pambalat ng notebook natin na mga newspaper, choco wrappers na nde maintindihan ng parents ko kung bakit daw kelangan dyaryo ang ipambalat sa book...

...Ang suklay na Goody at brush na Denman..

...Ang Sanrio ( my melody, hello kitty, twin stars pa lang non)

...Barettes at yong ibat-ibang kulay na rubberband na nilalagay natin sa ating mga buhok, ang mga feathers na uso non..,

...Ang pagpipilit na matutong maglagay ng eyeliner na kahit nagkandaluha luha at nagkandatusok tusok na ang mga mata natin eh cge pa ren,,

0 comments: to “ Naalala Nyo Pa Ba? so far...